Sat, 16 Jan 2021

Puerto Princesa Underground River, bubuksan na sa lokal na turista

Philippine Information Agency
30 Nov 2020, 18:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 30 (PIA) -- Kinumpirma ni Elizabeth Maclang, park superintendent ng Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) na magsisimula nang tumanggap ng mga lokal na turista ang underground river sa Disyembre 8.

Ito ang kaniyang tinuran kasabay ng paglulunsad ng kampanyang 'Balik Turismo, Balik Trabaho' sa lungsod.

Gayunpaman, ayon kay Maclang, magkakaroon ng pagbabago partikular sa bilang ng mga turistang maaaring pumasok sa kuweba.

Aniya, malilimitahan na ito ng hanggang 500 lamang, kumpara sa dating 1,200-1,500 na bisita kada araw, upang matiyak na masusunod ang mga pangkalusugang panuntunan na iniaatas ng mga awtoridad.

Ilan din sa mga ipatutupad na pagbabago ang pagtatalaga ng mga checkpoint sa ilang lugar upang ma-monitor ang estadong pangkalusugan ng isang turista bago payagang mamamasyal.

Samantala, isinusulong din ngayon ng pamunuan ng PPUR na babaan ang entrance fee dito, kung saan mula sa dating P500, gawin na lamang itong P100 upang mas lalong tangkilikin ng mga lokal na turista at kahit papaano'y magkaroon ng kita ang mga mamamayang nakasandal sa turismo.

Nilinaw ni Maclang na hindi ito agarang maipatutupad sapagkat kinakailangan pang amyendahan ang umiiral na ordinansa ukol sa halaga ng tour sa pamosong kuweba.

Kaugnay nito, hinikayat ng pamunuan ng PPSRNP ang mga mamamayan sa lalawigan at lungsod na bisitahin din hindi lamang ang underground river kundi maging ang iba pang community-based sustainable tourism (CBST) tulad ng Hundred Caves at Ugong Rock, Isla Felomina, at Sabang Falls. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

More Greece News

Access More

Sign up for Greece News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!